Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search

The Best of Gloc 9

Gloc 9, a rapper-musician from Binangonan Rizal shows his take on the country's recent politicial situation through his music.

He raps about the truth and honesty in Philippine governance, those with money and power. Giving us a contrast between the rulers and the ruled. Ranting about how authorities pretend to be blind amidst the crisis. And why, we Filipinos, are still worth living.

Truly very recent. Socially relevant. Genius


Lando
- Gloc 9 feat. Francis Magalona




[Chorus:]
(Francis M.)
Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim
Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim
Di ka hahayaan na muli pang masaktan
Wag ka nang matakot sa dilim

(Gloc 9)
Ito ay kwentong hango na galing sa dalawang taong
Nagmamahalan ng tunay ang ngala’y Elsa at Lando
At kahit parang pagkakataon ay nakakandado
Dahil magkalayo ang uri ng buhay ang estado
Ng buhay ni Lando ay di nalalayo sa marami
Sinunog ng araw ang kulay ng balat at marami
Ng galon ng pawis ang kanyang naidilig sa lupa
Upang ang gutom ay di na masuklian pa ng luha
Habang ang babaeng kanyang minamahal ay sagana
Ngunit kabilang sa pamilya na di alintanang
Makipagkapwa-tao sa mga tulad niyang dukha
Gayon pa ma’y patuloy ang pagmamahal na pinula ng pag-ibig

(Gloc 9)
Kahit na ano pang bagay ang pilit na ihadlang
Sino man ay walang makakapigil sa paghakbang
Ng mga paa na ang nais ay marating ang ligaya
Niyayang magtanan di nag-atubili na sumama
Hawak ang pangarap at pangako sa isa’t isa
Nagpakalayo-layo di namuhay na may kaba
Dahil alam nila na sa bawa’t isa’y nakalaan
At ang pagmamahalan tangi nilang sinasandalan
Wala ng ibang bagay pa silang mahihiling
Kundi isang pamilya sa loob ng apat na dingding
At isang bubong na maaaring tawaging tahanan
Bakit may pangit na kabanatang kailangang daanan pa

(Gloc 9)
Isang gabi na Huwebes lumubog na ang araw
Doon tayo magkita pasalubong ko’y siopao
Upang ating paghatian pagdating ng hapunan
Meron palang nakaabang sa amin na kamalasan
Eskinita sa Ermita may sumaksak kay Elsa
Sa tagiliran isang makalawang na lanseta
Ang gamit upang makuha lang ang kanyang pitaka
Kami’y mahirap lamang bakit di na siya naawa
Hindi ko naabutang buhay ang aking mahal
At hanggang sa huling hantungan ay nagdarasal
Bakit po bakit po ang laging lumalabas
Sa ‘king bibig palaboy-laboy ni walang landas
Akong sinusunod baliw sa mata ng marami
Siguro nga di ko na kilala aking sarili
Pangala’y taong grasa may patalim na gamit
At ang tanging alam ay isang malungkot na awit
At ang sabi…

Wag ka nang matakot sa dilim…


Upuan - Gloc 9 feat. Jeazell



(Jeazell)
Kayo po na naka upo subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw at baka matanaw ninyo ang tunay na kalagayan ko.

(Gloc 9)
Ganito kasi yun e..

Tao po, nandyan po ba kayo sa loob
Ng malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At nakapilang mga mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay sing puti ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
At pag may pagkakataoy pinagaagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan.

(Jeazell)
Kayo po na naka upo subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw at baka matanaw ninyo ang tunay na kalagayan ko.

(Gloc 9)
Mawalang galang na po sa taong naka-upo
Walang ibang pangtakal ang bigas namin ay di puno
Ang ding ding ng bahay namin ay pinagtagpi tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na hindi kayang bilihin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takureng uling-uling
Gamit ang panggatong na inanod lamang sa istero
Na nag sisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking inay na may kayamanang isang kaldero
Na nagagamit lamang pag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang pa rin, ulam na tuyot asin
Ang 50 pesos sa mag hapoy pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang o mataas lang ang bakod
O nag bubulag bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera nyo walang doktor na makapagpapalinaw ng mata nyo

kaya!

(Jeazell)
Wag kang masyadong halata

Bato bato sa langit ang matamaay wag magalit
Bato bato bato sa langit ang matamaan ay wag masyadong halata

Wag kang masyadong halata, wag kang masyadong halata, wag kang masyadong halata.

0 comments: